san- : varyant ng sang- at a ginagamit sa mga salitâng nagsisimula sa d, l, r, s, o t, hal sandugo, sandipa, sanlibo b dinudugtungan ng hula-ping , an, hal sanlibutan
San Roque (san ró•ke) : prusisyon kasáma ang estatwa ni San Roque upang maiwasan ang anumang sakuna at epidemya
San Jose (san ho•sé) 1: sa Bibliya, karpinterong asawa ni Birheng Maria 2: kabesera ng Antique 3: lungsod sa Nueva Ecija
San Páb•lo 1: sa Bibliya, a dating si Saul na tagausig ng mga apostoles ni Kristo b nagsulat ng ilan sa mga epistola at ng Aklat ng mga Pahayag 2: lungsod sa Laguna
san péd•ro 1: uri ng mabangong palay na tumutubò sa mataas na pook, at napakaliit ng mga butil 2: ípil-ípil
san páb•lo : palay na tumutubò sa mataas na pook, maliliit ang butil at mabango, tinatawag ding sinampáblo
ta•rát san diego (ta•rát san di•yé•go) : malakíng uri ng tarat (Lanius schach) na mahabà ang bun-tot at kapansin-pansin ang itim na itim na ulo at putîng ilalim ng mukha at leeg
Cofradia de San Jose (ko•frá•dya de san hó•se) : kapatirang panrelihiyon na itinatag ni Apolinario de la Cruz na inusig ng mga fraile kayâ nag-alsa